ENERO BENTE UNO

Print Friendly, PDF & Email

Enero Bente Uno

 

 

Kung minsan, kung sino pa yung gustong gusto mo,

madalas ang malas malas mo dahil di ka niya gusto..

Kelan ba inembento ang panloloko?

Gising na gising ka ba ng pinagsabuyan yun sa mundo?

 

Paibig ka eh.. Bakit tayo lumalabas?

Paasa ka ba o talagang gaga lang ako?

Di mo ba naisip na sa panahong pinagaaya mo ako,

Lahat ng yun pinagdarasal kong totoo?

Ngayon alam ko na..

Sadyang ang malas ko pala talaga..

 

Kelan man di ako naging ganito.

Seryoso, sinong babaeng umaaming minamahal ka niya ng todo!?

P*tang *na mo!

Bakit ang manhid mo?

Magpaka lalaki ka! Sabihin mo kung di mo ako gusto!

 

Hindi lahat ng oras iibigin kita,

Tandaan mo ang araw na’to..

Dahil ito na ang huling beses na iiyak ako,

Oo, iiyak ako sa galak dahil sa wakas

Tapos na akong magpaka-tanga saiyo.

 

Bilangin ko man ang mga araw na napakasaya ko,

Ulitin mo man ang mga pandesal na hinatid mo,

Balikan ko man ang mga araw ng sundo mo,

Alalahin ko man lahat ng tanghaliang ikaw ang kasama ko,

Isapuso ko man lahat sana ng pangarap mo,

Itaga ko man lahat ng magaganda mong paasang sinabi,

Hagilapin ko man ang nangyari sa ilalim ng bahaghari,

Lahat ng yun ay kailanma’y di na magkakasilbi..

Dahil may mga pangarap kang sinantabi

Palibhasa wala akong silbi

At ako’y iyong isinali..

 

Salamat sa lahat paasang lalaki.

Di ko akalaing ganito magmahal ngmatindi.

Binilog mo man ang mundo ko,

Tinupi-tupi mo man ang puso ko,

Bukas makawala, di na kita gusto ?

You might be interested in …

With Pleasure

Read More

Defeat

Read More