Iibig Pa Ba

Print Friendly, PDF & Email

Uulan kaya ngayon?

Sana, para may kasabay yung pagbuhos ng luha ko,

At ng di mo malaman ang sakit na nararamdaman ko.

 

Sabi nila masaya ang umibig,

Di ko maintindihan kung bakit,

Ayoko nga nung una eh pero ang puso ko mapilit,

Ayan tuloy ngayon, sa sakit namimilipit.

 

Masaya na man ako eh..

Nakangiti nga kahit walang katatawanan eh.

Mas naging masaya lang nung araw na andun ka,

Parang may nagliwanag na diwata,

Lahat sa paligid parang sinulat sa tala.

 

Sinamahan mo ako sa mundo kong mag-isa palagi,

Inaraw araw mo na para ka nang hindi wawari,

Iba’t ibang kasiyahan ang iyong binahagi,

Binuksan mo ang puso kong naka-kandado, bakit ka may susi?

Ayan tuloy, parang ayaw na kitang isa-uli.

 

Simula’t sapul alam kong di ka magiging akin,

Pero yung ngiti mo at oras mong ika’y na sa’kin,

Parang ayaw na kitang bitawan at limutin,

At gabi gabi, pinapanalangin sa mga bituin,

Sana sana sana, wag kitang mahalin.

 

Pag gising ko kina-umagahan,

Yung puso ko tumitibok na parang may kababalaghan,

Ikaw na yung una kong hinahanap,

Nananalangin na sana’y iyong matatanggap,

Ang puso kong ikaw na ngayon ang pinapangarap.

 

Takot akong sabihin pero nalaman mo,

May sinabi kang mas natakot ako,

Minsan lang pero sinabi mong mahal mo ako.

Sana biniro mo na lang ako.

Nang hindi tayo nasasaktan ng ganito.

 

Ikaw yung gagong paasa,

Ako yung martyr na tatanga tanga.

Pag-ibig nga naman, nakaka-sama pala.

You might be interested in …

Tears

Read More

Defeat

Read More

A Photo Bomb

Read More